
Inaasembol na ang line-up ng Gilas Pilipinas na isasabak sa 31st SEA Games. Anumang araw mula ngayon, iaanunsiyo na ang bubuo sa nasabing team. Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, pinaplantsa na nila ang final line-up ng Gilas.
Ayon kay ay SBP executive director Butch Antonio, si Chot Reyes ang magmamando sa team. Kailangang maipasa na ang line-up bago dumating ang delegation ng bansa sa Vietnam.
Iba ang patakarang ito kaysa ipinatutupad sa FIBA.
“Based on SEA Games rules, we have to submit our final 12 before we leave. Unlike in FIBA tournaments na a day before the game ang submission ng lineup. So we have to submit earlier,” ani Antonio sa weekly PSA Forum.
Kabilang sa listahan na ikakadama sa pool ay ang 16 players.Pero, lilihain ito at 12 na lang ang ititira. Kasama rito sina Isaac Go, Will Navarro, Matthew Wright at Kevin Alas. Nasa list din si Roger Pogoy, Poy Erram at June Mar Fajardo.
Kapag naasembol na, tutungo ang team sa Hanoi sa Mayo 13.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA