
May bagong misyon ang Gilas Pilipinas matapos ang bigong kampanya sa 31st SEA Games. Tututok na ang team sa 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers. Gayundin sa 2022 FIBA Asia Cup.
Ang malaking katanungan, sa anong paraan maghahanda ang koponan? Inaasahang magpapalit ng line-up ang Gilas. Ito’y matapos magtapos lang ng silver medal sa biennial meet.
Bahagi rin ng preparasyon ang pagkasa ng tune-up games kontra South Korea sa Hunyo. Pumayag sa tune-up game ang bagong coach ng Sokor na si Choo II-seung. Na ang laro ay idaraos sa Anyang bago tumulak ang dalawang bansa sa Jakarta.
“From June 17 to 18, we will play an evaluation match against the Philippine national team at Anyang Gymnasium. I think we should check the physical condition of the players from the 30th,” aniya.
Bagamat talsik na sa contention para sa World Cup, ikakasa ng Sokor ang 2 laro. Sa gayun ay masubok ang bagong line-up sa 16-man pool, na isasabak sa Asian Cup. Kabilang ang naturalized player na si Ra Gun-A (Ricardo Ratcliffe). Gayundin si NBA draft aspirant Lee Hyun-jung.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo