Umangat ang world ranking ng Gilas Pilipinas boys.
Sa inilabas na FIBA boy’s world ranking ay nasa pang-25 na ang ranking nila mula sa dating 27.
Naging susi sa nasabing pag-angat ng kanilang rankings ay ang pagtatapos nila ng ikaapat na puwesto sa FIBA U16 Asian Championship.
Sa bronze match noon ay tinalo sila ng mga matatangkad na manlalaro ng China sa score na 87-59.
Ang Gilas boys ay pinangunahan nina Joaquin Ludovice at Kieffer Alas.
Nanguna pa rin sa rankings ang US na sinundan ng Spain, France, Australia at Serbia.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA