Laglag na ang Gilas 3X3 sa Olympic Qualifying Tournament matapos talunin ng France, 15-14.Sa kabila ng gallant stand ng men’s national, hindi nila kinaya ang lakas ng kalaban.
Hinabol pa ng Gilas ang unbeaten na Les Bleus. Ngunit kinapos sila sa 2021 FIBA 3X3.
Kung kaya malungkot ang nationals na lumisan sa half court sa laro na idinaos sa Hauptplatz sa Graz, Austria. Ito rin ang unang beses na winless ang bansa sa nasabing torneo.
Sa nakalias na dekada, hindi umuwi na waang panalo ang Pilipinas sa FIBA 3X3. Nabigo ang Gilas sa Qatar, 12-21 at sa Slovenia, 11-21 sa Day 1. Nasundan pa ito ng pagkatalo sa Dominican Republic, 11-22.
Kung ano man ang magiging resulta ng laro, magtatapos ang Gilas sa 18th-20th place.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!