Matatapos na ang kontrata ni Giannis Antetokounmpo sa katapusan NBA 2021 season sa Milwaukee Bucks.Kaya naman, target ng New York Knicks na malambat ang NBA 2019 MVP.
Si Antetokounmpo ay magiging free agent na katapusan ng next season. Kaya, interesado ang team na makuha ang nasabing cager.
Ayon kay William Wesley na opisyal nang bahagi ng front office ng Knicks, kukunin din nila si dating Knicks coach Jason Kidd.
Aniya, alam ni Kidd ang abilidad ng tinaguriang ‘The Greek Freak’. Isa pa, pamilyar si Kidd sa laro ni Giannis.
“He’s a ‘Hall of Fame player and young innovative coach who learned from his past mistakes,” sabi ng isang personnel ng Knicks.
‘I think the Knicks young players would relate to him. Whether a factor for Giannis.”
“Wherever (Kidd) goes to coach, that team most definitely will have a seat at that dinner table when the time comes.”
“Yet Kidd will have to show more than merely a good standing with Antetokounmpo to net the job,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo