Kapwa napasama sa All-NBA First Team sina Giannis Antetokounmpo at LeBron James. Ang pagkakapili sa nasabing selection ay ika-16 beses na ni James.
Dahil dito, nalampasan na ng Lakers forward sina Kareem Abdul-Jabaar, Kobe Bryant at Tim Duncan.
Mayroong 13 selections sa First Team ang binanasagang ‘The King’. Dalawa sa Second Team at isa sa Third Team.May kabuuan namang four All-NBA selections si Giannis. Kabilang na rito ang dalawang selection sa First Team.
Kapwa nagtamo ng 500 points sina Giannis at LeBron sa All-NBA First Team sa kabuuaNG 100 ballots. Ang botohan ay inorganisa ng group of sports journalists mula sa US at Canada.
Kabilang din sa All-NBA First Team sina James Harden ng Rockets ( 474 points), Anthony Davis (455 votes), at Luka Doncic ng Dallas Mavericks (416 points).
Kabilang naman sa All-NBA Second Team sina Kawhi Leonard, Nikola Jokic, Damian Lillard, Chris Paul at Pascal Siakam.Sina Russell Westbrook, Jayson Tatum,Rudy Gobert, Ben Simmons at Jimmy Butler naman ang bumubuo sa Third Team.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2