May lumabas na rumor na nais ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo na lumipat sa Miami Heat.
Ang sitsit na ito ay inihayag ng 25-anyos na Australian tennis star na si Nick Kyrgios. Aniya, naging magkaibigan sila kamakailan ni Giannis.
Ipinagtapat aniya sa kanya ng ‘The Greek Freak’ ang pagnanais na lumipat sa Miami.
“I just asked him a bunch of questions,” saad ni Kyrgios kay Michael Chamas ng The Sydney Morning Herald. “
“I asked him straight away if he was going to go and join Miami and then he had a massive smile on his face. Maybe that could be brewing,” aniya.
Nagtaka aniya siya dahil sa hinuha ni Kyrgios, gusto pang manatili ni Giannis sa Bucks.
Gayunman, sa 2022 pa mapapaso ang kontrata ni Giannis sa Milwaukee. Malamang pagkatapos ng contract nito ay lumipat siya sa Heat.
Kung sakaling maspasyang umalis sa Bucks, tiyak na ni Kyrgios kung saan lilipat ang kaibigan.
More Stories
Pinoy FM Ivan Travis Cu sa Hungary… SECOND BEST SA BUDAPEST CHESS
Abalos, Reyes, Manalo bibigyang ningning ang Hagdang Bato billiardfest sa Mayo 4
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel