November 24, 2024

GERRY BAJA PASOK SA ‘WALK OF FAME’

Malaking karangalan at isang prebelehiyo para sa beteranong komentarista na si Gerry Baja (radio) na mapasama bilang isa sa walong mabibigyan ng “star” sa 2023 Eastwood City Walk of Fame.

Rarampa si Baja sa gaganaping event para kilalanin at parangalan ang mga natatanging personalidad na gumawa ng marka sa entertainment industries.

Labis din ang kanyang pasasalamat sa German Moreno Walk of Fame foundation.

“It’s really a great honor and privilege to be considered as one of the 8 inductees of Eastwood City Walk of Fame for this year. Thank you so much German Moreno Walk of Fame foundation,” ayon sa post ng beteranong komentarista.

Bukod kay Baja, tatanggap din ng kani-kanilang star sa East Wood City Walk of Fame sina Maja Salvador, Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, National Artist na si Ricky Lee, ABS-CBN News journalist Mario Dumaual, at dancers Ranz Kyle at Niana Guerrero (social media).


Gaganpin ito bukas sa Central Plaza of the Eastwood City Complex, Quezon City.