Balik sa paglalaro ng basketball si Gerald Anderson sa Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Siyempre, suportado siya ng kanyang GF na si Julia Barreto. Katunayan, special guest pa ang actress sa laro ng GenSan kontra Imus sa MOA Arena. Player ng General Santos City Warriors si Gerald.
Masaya si Julia, 24-anyos na nagbalik na ang kanyang BF sa pagba-basketball. Aniya, iyon ang unang minahal ng aktor. Nagsanay pa raw ng 2 taon si Gerald para muling paghandaan ang pagbabalik sa court.
“It’s something that he is passionate about and he is committed to it.He has invested so much of his time and effort for this team,” sabi ni Julia.
“Very understanding. I support him in everything that he does and I’m just behind him, always cheering him on,” aniya.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na