Tiyak na aabangan ng fans ang actor na si Gerald Anderson sa Mindanao leg ng 2021 Chocks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup.
Kasama kasi sa roster ng Brew Authoritea ang actor na isa sa siyam na teams na sasali sa liga.
Ayon kay team owner Mogs Gonzales, magiging kakampi ni Anderson sa Brew ang veteran na si Ronjay Buenafe. Gayundin sina Mac Baracael, Riel Cervantes, Joseph Seduria at Paul Sanga.
Ang coach ng naturang koponan ay si Vis Valencia. Katuwang nito sina Dale Lacorte at Leo Avenido. Ang team manager naman ay si Nino Valenzuela.
Magsisimulang bumuslo ang Mindanao leg sa May 25 sa Dipolog City sa Zamboanga. Sa ngayon ay wala pang katambal na LGU’s at lalawigan ang Authoritea.
Kung matatandaan, naglaro din si Gerald Anderson sa Maharalika Pilipinas Basketball League. Kung saan, naglaro siya sa koponang Marikina ShoeMasters.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo