IBINALIK ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang dalawang opisyal ng militar na na-relieve nitong kamakailan lang dahil sa umano’y pagkakasangkot sa maling listahan ng hinihinalang mga miyembro ng komunistang rebelde.
Sa isang pahayag, dinipensahan ni Lorenzana sina Armed Forces Deputy Chief of Staff for Intelligence Major General Alex Luna at Major General Benedict Arevalo, ang deputy chief of staff for civil military operations.
Paliwanag nito na hindi direktang may pananagutan ang dalawa sa pagpapalabas ng maling listahan ng mga umano’y miyembro ng New People’s Army.
“From the reports submitted to me, I believe that both men were NOT directly responsible for the lapse over the publication of the unverified and unofficial list of UP students who have been linked with left-leaning groups,” ayon sa defense chief.
Pero nilinaw ni Lorenzana na lusot na sina Luna at Arevalo sa liability at kapwa parurusahan ang nasabing mga opisyal dahil sa command responsibility.
Sinabi rin niya na mag-iisyu siya ng “stern warning” upang hindi na muling mangyari ang kontrobersiya.
“Having said this, I have requested that the AFP reinstate Maj. Gen. Arevalo and Maj. Gen. Luna to their previous commands, but with the stern warning that similar incidents cannot and should not happen again in the future,” ayon kay Lorenzana.
“Naniniwala ako sa second chances, lalo na kung nadamay lamang naman sila sa pagkukulang at pagkakamali ng iba. Bigyan natin sila ng panibagong pagkakataon na patunayan ang kanilang katapatan sa kanilang tungkulin,” dagdag pa niya.
Inilabas ng tanggapan ni Luna ang kontrobersiyal at kwestiyunableng NPA list kung saan unang inilarawan ni Lorenzana na ito ay “unforgivable lapse.”
Na-relieve sa puwesto ang intel officer at si Arevalo noong Enero matapos lumabas ang kontrobersiyal na lisatahan na ipinoste sa AFP Information Exchange Facebook account, na kalaunan ay tinanggal din.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY