November 5, 2024

GENERAL PUBLIC VACCINATION, SISIPA SA AGOSTO


Target ng Pilipinas na masimulan ang general adult population vaccination kapag dumating na ang inaasahang delivery ng bakuna, ayon kay National Task Force vs COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr.




“Very confident po kami na makukuha po natin by August. Magkakaroon po tayo ng general public vaccination,”  saad ni Galvez sa Malacañang press briefing ngayong araw.

By August, nakikita po natin pagka dumagsa na po ‘yung ating mga bakuna, mahihirapan po tayo… kung ating ili-limit pa by segments ang ating mga target. Kasi nakikita po natin ‘yan sa mga experience ng ibang bansa, sinasabi nga ng Israel at US, kailangan ilagay na natin sa… general public.”


Base sa inaasahang iskedyul ng vaccine deliveries ng pamahalaan, 15 hanggang 20 million doses ang darating sa Agosto.

Bago pa man ito, inaasahan ni Galvez na nasa Pilipinas na ang 10.3 milyon bakuna sa Hunyo (pinagsamang mga bakuna ng Moderna, Sinovac, Russia’s Gameleya Institure, AstraZeneca at Pfizer) at 13.5 million pang bakuna sa Hulyo.

Itong inasahang bilang ay malayo sa kasalukuyang 4 milyon doses na nasa bansa, kung saan karamihan ay Sinovac vaccines.

Sino-sino ang nasa general population?

Ang tinutukoy ni Galvez na nasa general adult population ang mga taong nasa edad 19-anyos pataas na nasa ilalim ng “B” at “C” categories sa vaccine priority list.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:


  • B1: Teachers, social workers 
  • B2: Other government workers 
  • B3: Other essential workers 
  • B4: Socio-demographic groups at significantly higher risk other than senior citizens and indigent people 
  • B5: Overseas Filipino Workers 
  • B6: Other remaining workforce 
  • C: Rest of the Filipino population not otherwise included in the above groups