Binawi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) na may granular lockdowns sa National Capital Region o NCR na dapat sana’y ipatutupad bukas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) pa rin ang Metro Manila bukas, Setyembre 8-15.
Dahil dito, mananatili pa ring ipinagbabawal ang indoor at al-fresco dine-in services, at personal care services kabilang ang beauty salons, beauty parlors at nail spas.
Sa kabilang banda, pinapayagan ang religious services na gaganapin sa pamamagitan ng online video recording at transmission.
Samantala, pinapayagan din ang mga miyembro ng pamilya na dumalo sa necrological services, burol, inurnment at libing kung ang pumanaw ay hindi sa COVID-19 namatay. Gayunpaman, kailangan nilang ipakita ang satisfactory proof ng kanilang relasyon sa namatay at dapat sumunod sa minimum public health standards.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA