INANUNSIYO ng Malacañang ngayong Sabado ang pagpapalawig sa general community quarantine (GCQ) sa Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Cebu City at Iloilo City simula Agosto 16 hanggang 31.
Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ hanggang sa huling araw ng buwan ay ang Cebu City, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Talisay City, Mandaue City at bayan ng Minglanilla at Consolacion sa lalawigan ng Cebu para sa Visayas region.
Samantala, ang bagong klasipikasyon ng mga lugar na kasalukuyang nasa modified enhance community quarantine – ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal – ay iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Lunes, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang nalalabing lugar ay inilagay sa ilalim modified general community quarantine (MGCQ) hanggang huling araw ng buwan, kung saan ang ilang lalawigan, high-urbanize city at independent component city ay maaring magpatupad ng mahigpit na “local action”.
The National Task Force (NTF) and the Department of Interior and Local Government (DILG) are directed to ensure that areas flagged for local action shall implement strict lockdown of areas in line with the Zoning Containment Strategy, strict enforcement of minimum public health standards, and intensified tracing and quarantine of close contacts and isolation of confirmed cases,” ayon pa sa pahayag ni Roque.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA