November 3, 2024

GAWIN NATING PRODUKTIBO”T MAKABULUHAN ANG PANAHON SA ILALIM NG GCQ

Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Balik Genearal Community Quarantine (GCQ) ang NCR simula bukas.

Ito’y dahil sa bumababa na ang bilang ng kaso kada araw o ‘average daily attack rate’. Gayundin ang growth rate mga Cabalen.

Marahil, malaking tulong ang isinagawang pagbabakuna sa atig mga kababayan. Kung kaya, unti-unting umiigi na ang sitwasyon.

Gayunman, inilapat ng kinauukulan na kahit ganun ay ipatutupad ang heightened restrictions.

Sa ganang akin mga Cabalen, okay naman na isailalim sa GCQ ang Metro Manila at karatig lalawigan. Kaya lang, dapat maghing responsable ang lahat.

HIndi porke nabakunahan na ang ilan ay magiging kalmado na. Maging maingat pa rin po. Kailangan ang GCQ upang makabangon ang ekonomiya.

Gayundin upang unti-unting bumalik kahit paano sa normal ang sitwasyon. Kung hindi man, kahit kalahati nito.

Sa gayun ay makagawa ng paraan at tamang diskarte ang ating mga kababayan para sa kanilang pangangailangan.

Hindi habang panahon habang may pandemya ay aasa na lang sa tulong ng iba. Tinuraan tayong mangisda at binigyan ng isda.

Pero, tayo sanay na mga Pilipino na laging nanghihingi ng isda. Tiyakin lamang ng gobyerno na kontrolado pa rin ang sitwasyon.

Iwasan na ang pagkakampanya ng hate. Walang mabuting maidudulot yan. Basta alam natin ang tama, dun tayo sa tama.

Sana naman ay maging makabuluhan at maging produktibo tayo sa susunod na 15 araw. Habang pinakikiramdaman pa ang sitwasyon.

bago ko wakasan ang suplemento natin sa pitak na ito, binabati natin ang ating mga kaibigan at mga kababayang Muslim.

Natawid ng ating mga kababayang member ng Islam ang Eid’l Fitr, ang pagwawakas ng holy month ng Ramadan.

Kaisa natin ang aitng mga kababayang Muslim sa panalanging matigil na ang pandemya. Katuwang din natin sila sa pagpapalaganap ng kapayapaan, kasaganahan at pagkakaisa.