GINAWARAN ng kaukulang parangal ang pamosong sportsman/public servant par excellence na si Coach Johny Tam bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa larangan ng sports at pagtulong sa kapwa partikular sa mahal niyang bayan.
Ang pride ng Paete sa lalawigan ng Laguna ay pormal na tinanggap ang Cetificate of Appreciation mula sa prestihiyosong award-giving body na Asia’s Idol Chronicle kagabi sa Quezon City.
Sa ginanap na 1st Asia’s Idol Chronicle Awards Night , nakapaloob sa sertipikasyon ang rekognisyon kay Coach Tam bilang Asia’s Most Excellence in Leadership Outstanding Coach and Inspiring Humanitarian Advocate of the year 2024.
“Isang malaking karangalan ang ma-appreciate ng mga pinagpipitagang award giving body tulad ng Asia’s Idol Chronicle,” sambit ni Tam sa kanyang acceptance speech. ” Hindi naman natin ito hinangad dahil ang aking pagtulong sa kababayan partikular sa mahal nating Paetenians sa ating lalawigan ng Laguna ay laan mula sa mga kabataan, adults, senior citizens at kabayang nasa laylayan ng lipunan, maraming salamat AIC sa gawad”.
Si Coach Tam ay ginugugol ang halos buong panahon niya katuwang ang pamilya sa pagbigay ng oportunidad sa mga potensiyal at talented na kabataan ng kanyang balwarte sa Paete sa sports gayundin sa edukasyon, sining, kultura, agrikultra, industriya, komunikasyon, turismo, kabuhayan, humanitarian program atbp. (DANNY SIMON)
More Stories
PRESYO NG KAMATIS UMABOT NA SA P20 KADA PIRASO
House Bill 11252 inihain ni Salceda… PRANGKISA NG ABS-CBN BUBUHAYIN
ISLAY ERIKA AT RAN LONGSHU BAKBAKAN SA ONE CHAMPIONSHIP