September 14, 2024

ALEX CABAGNOT BUMATA ANG PAKIRAMDAM SA CONVERGE CAMP

Kung may nararamdaman man si Alex Cabagnot sa kanyang pagbabalik sa PBA, ito’y parang bumalik siya sa kanyang pagkabata.

Sa edad na 41-anyos, kabilang na si Cabagnot sa matatandang player sa liga na ngayon ay naglalaro sa kampo ng FiberXers pero para sa nine-time PBA champion wala ‘yan sa edad.

“I love playing with them. I love their energy and their youth,” saad ni Cabagnot.

You know what they say, if you want to feel younger, you [should] be with younger guys and I feel a lot younger with them. I think they’re helping me more out than I am helping them out.”

Sa kabila ng pagkatalo sa Hotshots na nagpabagsak sa FiberXers sa 1-1 win-loss record, optimistic pa rin si Cabagnot sa kanyang bagong squad.

Matapos siyang makaiskor ng apat na puntos sa ikalawang opisyal na laro sa Converge, ipinakita pa rin ni Cabagnot ang kanyang galing sa mga batang core ng FiberXers sa ilalim ng mga coach na sina Franco Atienza, Charles Tiu at Rajko Toroman.

“I’m giving us a good grade so far. Definitely a passing grade like a B. Today we played well but we had some lapses and it happens. Like what coaches say, it happens but we’re looking good.”

Alam din ni Cabagnot na siya at ang FiberXers ay kailangan gumawa ng advantage dahil sa bagong four-point line.

At kung maisasakatuparan ng Converge ang bagong rule para ma-perpect, malamang na gumanda pa lalo grado ni Cabagnot sa FiberXers.

“Obviously, we have to make use of that [four points]. That’s also an opportunity, it’s strategic and tactical, especially in catching up [leads].”

“Tactically, defensively and offensively we have to take account and adjust on that [four-point line].” (RON TOLENTINO)