MINSAN nang nakilala ang Lungsod ng Navotas bilang Beyond Compliant sa Gawad KALASAG Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at Humanitarian Assistance para markahan ang natanggap nitong pang-apat na prestigious award.
Itinampok ng Kalasag seal ang pambihirang pagsisikap ng lungsod sa pagpapatupad ng mga proactive disaster risk reduction strategies at pagbibigay ng mahahalagang tulong sa panahon ng disasters at emergencies.
Ipinahayag naman ni Mayor John Rey Tiangco ang kanyang pasasalamat at pagmamalaki para sa parangal na iniuugnay sa collective efforts ng pamahalaang lungsod, local stakeholders, at Navoteños.
“This award reflects our unwavering commitment to building a safer and more resilient Navotas. We dedicate this achievement to every Navoteño who continues to work hand-in-hand with us in fostering disaster preparedness and community resilience,” sabi ni Tiangco.
Ang Gawad KALASAG Search for Excellence in DRRM and Humanitarian Assistance ay ang pangunahing programa ng pagkilala sa bansa para sa mga stakeholder na mahusay sa disaster preparedness, climate change adaptation, at humanitarian initiatives.
Ang Qualified entries para sa Gawad KALASAG Seal ay sumailalim sa isang mahigpit na proseso ng pagsusuri na isinagawa ng inter-agency Regional Validation Committee and Regional Selection Committee mula June hanggang August 2024.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust