November 15, 2024

GAS STATION AT CONDO NI DOMINIC ROQUE, BIGAY NG SUGAR DADDY NIYA?

NABUKING na ni Bea Alonzo ang tunay na trabaho at pagkatao ni Dominic Roque, ang masakit nga lang ay sobra-sobrang husga ang sinapit nitong si Dominic Roque.

At ang pinaka masakit pa ay may sugar Daddy itong politiko, hindi lang matiyak kung iyong gas station na pag-aari ni Dominic ay iyon ding politiko o ibang bading na mayaman ang nagbigay sa kanya.

Dahil iyong pang mayamang condo na tinitirahan niya, ay iyong politiko ang nagmamay-ari.

Tahimik na tao si Dominic Roque, sila nga ang may sabi na nang dumating ang Pandemic ay walang pinagkakakitaan si Dominic, syempre para mabuhay at maisalba ang pamilya kumapit sa patalim si Dominic Roque.

Nagmahal si Dominic, sa gitna ng mga intrigang hiwalayan nila ni Bea Alonzo, ipinagtatanggol pa rin niya ang actress.

Pero ganyan talaga ang buhay, kahit na anong dagok ang dumating kay Dominic at mga pag-babash ay pinipilit niyang huwag itong magpaapekto.

Siguro ang dapat na lang niyang gawin ay palayain na niya si Bea, dahil kahit ano pang gawin niya ay hindi na siya mamahalin pa at pakakasalan ng babaeng minahal niya.

Tuloy ang buhay, ang dapat niyang gawin ngayon ay mag-ipon at kung ready na siya siguro iyon na ang right time para muling umibig.