
MAHIHIRAPAN na si Vice Ganda, na muling ibalik ang kanyang TV show na ‘Gandang Gabi Vice,’ dati kasi ang rason niya ay pare-pareho lang ang kanyang mga guest kaya umayaw na siya.
Pero ngayon mukhang gusto na rin niyang ibalik ito, pero nagdadalawang isip pa siya dahil daw sa kanyang schedule.
“Totoo ka, kaya nag-sign off ang show niyang ‘Gandang Gabi Vice,’ dahil paulit-ulit Ang mga guest. Pero not this time, kasi raw sanib pwersa na ang GMA-7 at ABS-CBN ay marami na silang pwedeng i-guest sa show.
“Hopefully daw, masaya si Vice Ganda dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng madlang pipol ang kanyang ‘Gandang Gabi Vice’ show.
“Kung ibabalik man ang ‘Gandang Gabi Vice’ show ay pwede naman daw, pero ang gusto ni Vice ay seasonal na lamang ito at hindi every night. Dahil mahihirapan siya sa kanyang schedule,” say pa ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
“Sama-Sama, Lakas Marikina!” sigaw ni Tope Ilagan sa pagtakbo bilang Konsehal sa Unang Distrito ng Marikina City
LBC Mabini, Batangas nilooban: 5 parcel ng alahas na halos P420K, tinangay ng magnanakaw
Ian Sia Out sa Halalan: Diskwalipikado Dahil sa Birong Laban sa Single Moms