Isang panalo na lang ang kinakailangan ng Miami Heat upang makabanse sa Eastern Conference Finals. Abanse sa serye ang Heat, 3-0 kontra sa Milwaukee Bucks.
Ito’y makaraang tupukin ng Heat ang Bucks noong Game 3, 115-110. Kung mangyayari, muling papalaot sa East Finals ang tropa ni coach Erick Spoelstra.
Huling pumalaot ang Miami noon pang 2014. Ang mahalaga aniya, malaking moral boost sa team ang kalamangang 3 panalo.
Ito rin ang ika-78 win ng Fil-Am coach, na nagbigay sa Miami ng NBA titles noong 2012 at 2013.
Kaya naman, sisikapin ng Heat na tapusin na ang serye bukas sa Walt Disney World sa Orlando. Marami ring sisiraing forecast at prediksyon ng mga analyst kapag nalaglag ang Bucks.
“You do have to disengage for an evening and then we’ll get back to work and get ready for a battle on Sunday,” ani Spoelstra kaugnay sa Game 4.
“I understand it.”
“These are not easy decisions, and this is not a normal period of time in our history.”
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!