December 26, 2024

GAG ORDER INILABAS VS PARLADE, BADOY

Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na kaniya nang pinagsabihan sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Larrine Badoy, kapwa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na huwag muna magbigay ng anumang pahayag o komento kaugnay sa mga isinasagawang community pantry initiatives.

Ayon kay Esperon, ang chairman ng NTF-ELCAC, layon ng “gag order” ay para maiwasan na magkaroon ng kalituhan kaugnay sa bayanihan initiative.

“Yes, I did if only to emphasize that NTF ELCAC or Gen Parlade or Usec Badoy are not against bayanihan or community pantries,” wika ni Sec. Esperon.

Naiintindihan naman aniya nina Parlade at Badoy ang inilabas nitong gag order at sa katunayan ay suportado ng dalawa ang bayanihan spirit sa mga community pantry.

Siniguro rin ng NTF-ELCAC chairman na suportado nila ang community pantries na itinayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Una rito, itinanggi ni Parlade na kaniyang iniuugnay ang ilang organizers ng community pantries sa komunistang rebelde. Pero aminado si Parlade, ginagaya ng makakaliwang grupo ang community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa.