
PORMAL nang hiniling ng grupong Gabriela sa Supreme Court na gumawa ng kaukulang hakbang laban sa isang abogado at Pasig congressional candidate Atty. Christian ‘Ian’ Sia sa harap ito ng mahalay na pahayag hinggil sa mga solo parents sa isang campaign sortie.
Ayon sa Gabriela, hindi nila palalampasin ang anumang pambabastos sa kababaihan, lalo na mula sa mga may kapangyarihan at impluwensya sa lipunan — gaya ng abogado at kandidatong si Ian Sia.
“His remarks and non-apology thereafter reek of deep-seated misogyny and constitute serious violations of the legal profession’s ethical standards. Dapat managot ang lahat ng bastos,” ayon Kay Clarice Palce, Secretary General ng Gabriela.
Sa 3 pahinang liham Kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo at sa lahat ng mga justice ng SC, tinukoy ng grupo na si Atty. Sia ay nakagawa ng paglabag sa ibat-ibang probisyon ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA), partikular sa pagbabawal sa ipinagbabawal na gender-based harassment at I require ang abogado na sumunod sa dignified conduct.
“Bilang abogado, inaasahan silang mangalaga ng katarungan at protektahan ang mga bulnerable, hindi ang magpakalat ng mapanirang stereotypes at i-sexualize ang mga kababaihang humaharap na sa napakaraming hamon sa buhay, ayon kay Palce.
“Lalong hindi ito katanggap-tanggap mula sa isang kandidatong naghahangad ng puwesto sa pamahalaan. Konkretong platapormang tutugon sa mga krisis na kinakaharap ng solo parents at iba pang kababaihan ang kailangan namin, hindi pambabastos!” dagdag pa nito.
Sinabi pa ng Gabriela na ang kaso ni Sia ay isa lamang sa maraming insidente ng candidate misogyny ngayong eleksyon.
Una ng kinondena ng Gabriela si Misamis Oriental Governor Peter ‘Sr. Pedro’ Unabia sa kanyang sexist remarks hinggil sa nursing profession.
“Malinaw na hindi ito isolated case. May pattern ng kabastusan at misogyny ang mga trapo sa bansa. Mula sa Luzon hanggang Mindanao, patuloy ang pang-aalipusta sa dignidad ng kababaihan,” dagdag pa ni Palce.
Dapat din umano na maging ground for disqualification na ang misogyny at sexism. (BG)
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!