May 12, 2024

GABBY CONCEPCION, ANAK SI THEA TOLENTINO SA ISANG AKTRES NA SUMAMA SA TOMBOY

Hindi na matatakasan ng actor na si Gabby Concepcion ang kanyang lihim na ilalahad ng tadhana. Kung saan, anak niya pala si Thea Tolentino. Ito ang handog na kwento sa 4th anniversary ng ‘Tadhana’. Ito ay may pamagat na sa ‘Sa Ngalan ng Ama’ na may 2-part episode.

Makakasama ni Gabby sa kwento ang apat na aktres.  Kasama na nga rito sina The Tolentino, Ariella Arida, Eula Valdez at Bubbles Paraiso.  Gagampanan ni Gabo ang papel ni Christian na nobyo ni Diane (Ariella).

Tomboy naman ang papel ni Coco (Eula) na makikisama kay Diane. Pero, kalaunan, nagbunga ang dating pagsasama nina Christian at Diane. Ito ay si Tracy (Thea). Pero, lalaki si Tracy sa piling nina Coco at Diane. Sa bandang huli, malalaman niya ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.