January 19, 2025

GAB: 6 PINOY PRO BOXERS NASA TOP 10 CONTENDERS NG WBC-ABC

NAKAPOSISYON na ang anim na Pinoy sa top ten contenders para sa flyweight division (112 lbs.) ng World Boxing Council (WBC)- Asian Boxing Council na kasalukuyang tangan ni Thananchai Charunphak ng Thailand.

Sa latest rating na inilabas ng WBC-ABC para sa buwan ng Agosto, hawak nina Chris Afante at Ardin Diale ang No.1 at No.2 position, ayon sa pagkakasunod,  para sa titulo na huling  nadepensahan ni Thananchai nitong Nobyembre 7, 2020.

 Sina Adrian Lorasan (No.6), Giemel Magramo (7), Ricardo Sueno (KJ Cataraja (10), Diomel Diocos (11) at Rencel Paet (13) – ang iba pang Pinoy na kabilang na pumuposisyon sa  naturang division na tradisyunal nang dinodomina ng Pinoy.

Umangat naman sa No.3 ang rising boxing star at undefeated na si Carl James Martin sa bantamweight class (118 lbs.) na kasalukuyan hawak ngayon ni Nawaphon Nakourloung ng Thailand na apat na ulit nang nakapagdepensa mula nang makamit ang titulo noong Hulyo 21, 2018.

Nasa likod siya nina No.1 Petch CPF ng Thailand na kasalukuyan ding Continental championshiptitle holder at No.2 Yougu Yu ng China.   Nananatili namang bakante ang ang Silver Championship ng naturang division na posibleng maihirit ni Martin sa pagbabalik ng aksyon matapos muling magtaas ng quarantine status para sa COVID-19 ang bansa.

“Maganda ang katayuan sa ranking ng ating mga boksingero. Kung hindi nga lang naapketuhan ng pandemic ang professional sports, napalaban na sa mga local at international promotions ang ating mga fighter at posibleng mailaban sila para sa titulo,” pahayag ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

  Iginiit din ni Mitra na kasalukuyan pang nasa proseso ang apela ng GAB kay Pangulong Duterte para dagdag na P1,850.0000 ayuda para sa 300 GAB licensees boxer, combat fighters and personnel sa Luzon, Visayas at Mindanao. Nauna nang nakapagpalabas ang pamahalaan ng mahigit P3 milyon para ayudahan ang naunang 300 GAB licensees nitong Mayo sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) AICS program.