December 25, 2024

FOUNDATION MAY LIBRENG DIALYSIS SA MAHIHIRAP


Daan-daang mga mahihirap na Pilipino na may sakit sa bato ang tinutulungan ng isang foundation para makapag-dialysis simula pa noong Nobyembre.

Ayon kay Atty. Caroline Cruz, program director ng Pitmaster Foundation Inc., nire-refer namin ang mga pasyente sa pinakamalapit na ospital o dialysis center sa kanila tapos kami ang magbabayad.”

“All they have to do is message us sa aming Facebook o Instagram, tapos we contact them and refer them sa dialysis center o ospital,” aniya pa.

May 15 partner dialysis centers ang Pitmaster Foundation Inc. sa buong bansa.

Umaabot sa halos P5,000 ang sinasagot ng Pitmaster Foundation sa bawat sesyon ng pasyente.

“Gusto lang po namin na makatulong sa gastusin ng pamahalaan para maipagamot ang libu-libo nating mga mahihirap na kababayan na kailangan ng dialysis,” dagdag pa ni Atty. Cruz.

Ani Cruz, “Alam po naman natin na sagad na rin ang gastusin ng pamahalaan dahil sa pandemyang ito kaya we are willing to help.”

Nabatid na walang bayad at dapat ay mahirap ang tanging requirement ng Pitmaster para sa kanilang libreng dialysis.

Para sa libreng dialysis, mag-message lang sa Pitmaster Facebook messenger o sa kanilang Instagram na ‘Pitmaster Cares.’ Maaari ring mag-email sa [email protected]