May 17, 2024

Former First Lady Imelda Marcos, sumailalim sa angioplasty

KINUMPIRMA ni Senadora Imee Marcos na sumailalim sa angioplqsty procedure si dating Unang Ginang Imelda R. Marcos.

Sinabi ni Sen. Imee na successful naman ang procedure na isinagawa sa former First Lady sa St. Luke’s Global nitong Linggo, May 7.

“Yes, she did. My mother underwent successful angioplasty last May 7,” ayon sa Senadora

Nakatakda na umanong umuwi si Mrs. Marcos sa bahay nila ngayong linggo.

“My mother… is recovering well and will be sent home this week,” dagdag pa ni Sen. Marcos.

Noong Marso, kumalat sa social media na pumanaw na ang dating First Lady. Aabot na sa 94 anyos si FL Marcos sa kanyang birthday sa July 2.