
Tinamaan din pala ang beauty queen na si Chamsey Supsup ng Coronavirus. Pero, magaling na siya at fully recovered na. Katunayan, nai-share nito sa kanyang Instagram account ang kanyang naranasan.
Aniya, tinamaan siya ng virus three weeks ago. Akala niya, simpleng trangkaso lang. Pero, nagulat siya na COVID-19 na pala ang tumama sa kanya. Kasi, nawalan siya ng panlasa’t pang-amoy.
“Lucky enough, we were able to get better at home.Praying for everyone’s safety and for the pandemic to end soon,” aniya.
Mabuti na lamang at fully vaccinated na ang beauty queen na kumatawan noon sa bansa sa Miss Universe. Kaya, mild at moderate lang ang nakita naramdaman niyang symtoms.
More Stories
Komedyanteng si Matutina pumanaw na, 78
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48
BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO HIWALAY NA