December 21, 2024

FLIGHT MULA QATAR AIRWAYS PAPUNTANG DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT ITINULOY

Matapos matigil dahil sa pandemya, itinuloy ng Qatar Airways nitong nakaraang Sabado (Abril 1, 2023) ang mga flight papuntang Davao International Airport (DIA) mula Doha na inumpisahang mag-operate ng isang beses sa isang linggo tuwing Sabado sa pamamagitan ng Doha-Ceb-Dvo-Doha.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio, darating ang Flight QR 936 (Doha-Cebu-Davao-Doha) sa Davao dakong alas-7:10 ng gabi na may sakay na 29 pasahero via Cebu at aalis ng alas-8:40 ng gabi na may 33 pasahero.

Huling nakapagsilbi ang airline noong taong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, target somula ngayong Hunyo 2023 ang panukalang expansion project para sa terminal building ng DIA na nagkakahalaga ng P699,549,324.15 at inaasahang matatapos sa Hunyo 2025.

Ayon kay Apolonio, ang DIA ang isa sa pinakamalaking busiest airports sa buong bansa, na nagtakda ng 251 domestic at 11 international flights kada linggo. “With the influx of travelers transiting in the airport, the completion of these development projects are expected to allow the country’s aviation gateway to serve and accommodate more passengers at a given time,” dagdag niya. ARSENIO TAN