REHAS na bakal ang kinabagsakan ng isang fish vendor matapos makuhanan ng baril at shabu ng mga pulis sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan Police Chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Ghelo Domasig, 28 ng 197 Doce 36 St. East Bagong Barrio.
Ayon sa pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 6 sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong transaksyon ng illegal na droga sa East Bagong Barrio, Brgy. 156.
Kaagad namang rumesponde sa naturang lugar si PCpl Jerry Salatamos at PCpl Nino Rey Dolores kung saan naaktuhan ng mga ito ang tatlong katao na nagpapalitan umano ng illegal na droga.
Nang mapansin ng tatlo ang presensya ng mga pulis ay mabilis na nagpulasan ang mga ito subalit, nagawang madakma ng mga parak si Domasig.
Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng limang bala at isang plastic sachet na naglalaman ng 1.1 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P7, 280 ang halaga.
Paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang isasampang kaso ng pulisya kontra sa suspek sa piskalaya ng Caloocan City.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA