
AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Si Gerald Enrique, 20 of 1st Street, Block 28, Lot 7, Brgy. Tanong ay isinugod ng kanyang his live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Sa follow-up operation ng mga tuahan ng Malabon Police Sub-Station 6, agad namang naaresto si Melvin Perdez, 27 at Nixon Vinluan, 25, kapwa ng C-4 Road, Brgy. Tanong habang ang sinasabing gunman na si Antonio Mendoza, 22, alyas “Oting” ay pinaghahanap pa ng pulisya.
Sa report nina police investigators P/Cpl. Archie Beniasan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, alas1:30 ng madaling araw magtatapon ang biktima ng basura nang harangin ito ng mga suspek sa kahabaan ng C-4 Road. Isa sa mga suspek ang naglabas ng baril saka pinagbabaril si Enrique sa katawan bago mabilis na nagsitakas habang isa sa tinitignan ng pulisya na posibleng motibo sa insidente ay personal na alitan.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa