December 24, 2024

Fish kill sa Lake Sebu, naiwasan

NAIWASAN na ang mga pagkamatay ng isda sa tatlong lawa ng mga bundok sa bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato sa loob ng dalawang taon dahil sa maayos nitong kondisyon.

Ayon kay Engr. Siegfred Flaviano, head ng South Cotabato Provincial Environment Management Office, patuloy na nakarerekober ang ecosystems ng mga lawa ng  Sebu, Seloton at Lahit dahil sa pagpapanatili sa pagpapatupad ng enhanced conservation at rehabilitation measures.

Kabilang na rito ang regular na pagtanggal ng mga water lily at pag-alis ng mga ilegal na istruktura.

Sakop ng demolisyon ang fish cages na walang permit, guardhouses, at iba pang abandonadong istruktura sa mga lawa.

Ang naturang hakbang ay bilang pagsunod sa mga probisyon ng Section 51 of Republic Act 8850 o ang Philippine Code of 1998, na nagtatakda ng mga lugar para sa paggamit ng aquaculture sa 10 porsiyento.

Sa pakikipagtulungan sa pamahalaang bayan ng Lake Sebu at iba pang mga stakeholder, sinabi ni Flaviano na mahigpit nilang ipinatupad ang pag-zone ng mga lawa at pinananatili ang mga development sa kanilang pinapayagan na kapasidad.

Sakop nito ang tatlong lawa ng bayan – Sebu (354 hektarya), Seloton (48 hektarya) at Lahit (24 hektarya).

“As you can see now, we have not recorded any massive fish kill in the area,”  saad niya sa mga mamamahayag.

Matatandaan na umabot sa P120 milyon halaga ng tilapiya ang naging pinasala nang magsimatay ang mga isda sa Lake Sebu noong taong 2017.