TAGUIG CITY – Bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga Pinoy seafarers, binigyan ng atensyon ng lungsod ng Taguig ang mga Pinoy seaman para maging ligtas sila sa covid-19 virus dito sa Lakeshore vaccination hub sa nasabing siyudad.
Kaugnay ito sa selebrasyon ng International Seafarers Day 2021 kung saan naglaan ang lungsod ng doses ng vaccine kontra Covid-19 para sa mga marino.
Dumating si Covid-19 Testing Czar Secretary Vince Dizon sa event.
Kaninang hapon ay tumanggap ang mga Pinoy seaman ng 1st dose ng Covid-19 vaccine dito sa Lakeshore Trade Center sa C6 Road, Brgy. Lower Bicutan sa Taguig.
Ayon kay Congressman Alan Peter Cayetano, layon ng lungsod na maproteksyunan laban sa virus ang mga Filipino seafarers na maitururing na malaki ang kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.
200 sa kanila ay tumanggap ng tig-P10,000 ayuda bawat isa habang pumili naman si Cayetano ng isang daang individuals na nagpaabot ng kanilang mensahe sa pamamagitan ng social media na mabibigyan din ng nasabing halaga.
Umabot sa 500 Pinoy seafarers ang nabakunahan ng 1st dose ngayong araw.
Dumating sa lugar ang Associated Marine Officers and Seaman Union of the Philippines.
Dumating din sina Mayor Lino Cayetano sa vaccination hub kasama sina Senator Pia Cayetano, ang mag-asawang kinatawan ng Taguig sina Cong Alan at Cong Lani Cayetano para personal na saksihan ang pagbabakuna sa mga Pinoy seafarers.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano ang pagbabakuna sa mga Pinoy seafarers kasama ang kanilang pamilya ay susi sa pagbabalik sa normal na pamumuhay sa Taguig.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA