November 2, 2024

FILIPINAS, ‘MABUHAY ANG BAGONG KAMPEON NG AFF’

Makasaysayan ang ginawa ng Filipinas, ang ating national women’s football team. Kampeon sa Asean Football Federation (AFF) ang ating koponan. Tinalo nila ang Thailand sa finals sa iskor na 3-0. Kaya nahablot natin ang gold medal.

Hindi lang ‘yan, bago nito, winalis nila ang Vietnam at Autralia sa kontensyon. Akalain mo yun! Kampeon ang team sa unang salang nito sa finals sa unang pagkakataon.

Sa tagumpay na ito ng Filipinas, indikasyon ito na muling lumalakas ang larong football. Na hindi lang dapat basketball at volleyball ang dapat tutukan. Ang pwedeng makapagbigay karangalan sa Pilipinas. Kundi, marami pa kabilang na ang football.

 
Filipinas blank Thailand 3-0 to be crowned the AFF Women’s champions on Sunday at Rizal Memorial Stadium. –PFF PHOTO

Nakakagalak na sinuportahan n gating mga kababayan ang Filipinas. Tanda na lumabas ang mga fans ng nasabing laro. Napatunayan natin na kaya pala nating makipagsabayan.

Sa nasabing laro, nakilala natin ang mga bagong bayani. Mga heroic deeds nina Sarina Bolden, Katrina Guillo, Jessika Cowart; sa gabay ni coach Alen Stajcic.

Binabati natin ang Filipinas na dating kilala sa tawag na ‘Malditas’. Mabuhay at marami pang tagumpay ang ihatid nyo sa ating bansa.