Bumida si Fil-Japanese karateka Junna Tsukii sa idaos na karate tourney sa Cairo, Egypt. Nasipa niya ang gold medal sa Karate 1 Premier League. Dinaig nito ang pambato mismo ng home town na si Rashee Areeg, 2-1, sa finals ng 50kg division.
Naging dikit ang sagupaan ng dalawa. Ngunit, nakuha ni Tsukii ang panalo sa iskor na 2-1. Tabla ang iskor sa 1-1 nang lumamang siya matapos kumonekta ng suntok sa ulo at katawan ni Areeg. May sie scoends na lang ang natitira nun sa time clock.
Siniguro naman ng kampo ni Areeg na pasok ang patama ni Tsukii. Katunayan, nagawa pang i-review ang video via Video Assistant Referee (VAR). Gayunman, napatunayan na pasok ang points na ibinigay.
Dahil sa panalo, nakasipa na ang 2019 SEA Games gold medalist ng 2 gold medal sa Premier League.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA