January 19, 2025

FIFA Women’s World Cup… PILIPINAS NAISAHAN ANG NEW ZEALAND

Si Sarina Bolden ng Pilipinas matapos umiskor ng winning header kontra New Zealand.

UMISKOR ng makasaysayang  panalo at nanatiling buhay sa kontensiyon  ang mga pambatong Pinay.

Sa harap ng nagulantang at di makapaniwalang hometown crowd sa Sky Stadium sa Wellington biglang nanggulat ang Pilipinas kontra hometeam Ferns 1-0, Martes ng hapon sa New Zealand.

Ang monumental upset win ng Pinay X1 sa Group A ang nagpatibay sa kanilang tsansang umusad sa susunod na yugto ng FIFA Women’s World Cup.

Isang header sa 24th minute ni striker Sarina Bolden mula sa cross ni Sarah Eggesvik ang  lumusot sa kamay ng Ferns’ goalkeeper na si Victoria Esson tungo sa net na nagsilbing winning goal ng Pilipinas sa World Cup.

Naging matatag ang mga Pinay na protektahan ang kalamangan hanggang sa edgame upang itala ang unang WC victory at manatili pang humihinga sa kontensyon.

“This must be a special moment( in Philippine football history),the biggest win in any team sport”,wika ni coach Allen Stajcic( Australian) na siyang mentor ng Pilipinas na inamin ding may kasamang sueerte ang panalo.    “Of course we rode on our luck.New Zealand had 3 or 4 unbelievable chances.But unity,work rate and heart of team was so special.We had some luck but we earned that luck”.

Sinabi pa ni coach Stajcic na wala nang hihigit pang panalo nila  kontra sa  host team.

Nasa kabuuang 500 Filipino na nakabase sa New Zealand ang sumaksi at nag- cheer sa ating pambansang koponan.