May 2, 2024

FIBA World Cup semis shocker! USA PINATALSIK NG GERMANY

GINULANTANG ng Germany ang mundo matapos na sibakin ang mabigat na paboritong USA at ang nakapanlulumong pangyayari ay naganap pa sa Pilipinas.

Pinatalsik ng mga mabalasik na Aleman ang mga Amerikano 113-111 sa semifinal round ng 23 FIVAWorld Cup, Biyernes ng gabi sa MOA Arena, Pasay City.

Kinarga ni guard Andreas Obst ang Germany sa kanyang tournament high 24 puntos at 6 na assists kabilang na ang pamatay na tres sa krusyal na endgame  upang pigilin ang late rally ng koponan United States of America.

Katuwang ni Obst si Orlando Magic guard Franz Wagner na magsubi ng 22 points habang ang power forward na si Daniel Theis (Indiana Pacers) ay nag-ambag ng 21 puntos.

“We played good defense, we were running around and we stayed mentally tough from first to the last guy ” wika ni Obst sa panayam.

Maghaharap sa finals ngayong Linggo ng gabi ang koponang Serbia na nagpatalsik naman ang paboritong Canada sa MoA Arena.

Ang crowd favorite na si Austin Reaves ay tumikada ng 21 puntos para sa losing cause ng USA.

Pagtunggalian ng USA at Canada ang tersera puwesto.