Pinalakas ng BanKo Perlas ang kanilang line-up sa isang latest acquisition. Nilambat nito si burly blocker Czarina ‘Cza’ Carandang para sa upcoming 2021 Premier Volleyball League season.
Pormal na inanunsiyo ng team sa social media page ang tungkol dito. Kung saan, pinalagda nila ang 5’7 blocker.
“Exciting to see a different kind of Pearl power as Cza Carandang prepares to bring the swag to Perlas’ side of the court,” ayon sa statement.
Dahil sa pagsampa ni Carandang sa Perlas, nangangahulugan ito na hindi na siya makalalaro sa kanyang final year sa Far Eastern University.
Isa pa sa aalis sa Lady Tamaraws ngayong taon ay si Gel Cayuno. Na tuluyan na ring pumalaot sa Perlas.Si Carandang ay nakapaglaro na sa isang team sa PVL. Naglaro siya sa PLDT noong 2018 All-Filipino Conference.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo