ILOCOS SUR – Humakot ng gintong medalya sina Jathniel Caleb Fernandez ng Baguio City at Adrianna Jessie Magbojos ng Sta. Rosa sa Archery sa Philippine Sports Commission-Batang Pinoy na ginanap sa San Ildefonso, Central School.
Tig-limang gold medal ang pinana nina 9-year-old Fernandez at Magbojos sa Under 10 Boys at Girls sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala.
Tinuhog ni Grade 3 student sa Pines Family Learning Center, Fernandez 10m matapos umiskor ng 304, 15m (243), 20m (260), 30m (257) at 1440. Pakay ni Batang Pinoy first timer, Fernandez na sikwatin ang pang-anim na gold medal sa Olympic round ngayong araw.
“Pursigido talaga siyang manalo, pinaghandaan niya itong Batang Pinoy,” patungkol ni Randy Fernandez sa kanyang anak (Caleb).
Sinungkit naman ni Magbojos ang gold medal sa 10m, 15m, 20m, 30m at 1440 event.
Samantala, naka double gold medal si Maritanya Krog matapos pedalin ang panalo sa Girls 13 and below Individual Time Trial (ITT) na ginanap sa Provincial Capitol, Diversion Road.
Nirehistro ni Krog ang 12 minuto at 39 segundo para makuha ang pangalawang ginto habang silver at bronze sina Jhanah Abella ng Calapan at Maria Louisse Alejado ng Iloilo ayon sa pagkakasunod.
Dalawang gold medal naman ang hinablot ni Mico Villaran ng Bacolod City matapos nitong manalo sa 110m at 200m hurdles sa grassroots development program ng PSC.
Ang nasabing edition ng batang Pinoy ay suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Interior and Local Government Unit (DILG) at Department of Education (DepED) kasama ang MILO Philippines, Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines, Universal Robina Corporation, Coca-Cola Beverages Philippines, Globe Telecom at Beautéderm.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK