May 15, 2024

ATENEO KAMPEON SA UAAP

Nagkampeon ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa UAAP Season 85 Men’s Basketball.

Ito ay matapos talunin nila ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons 75-68.

Sa simula ng laro ay hawak ng Ateneo ang kalamangan para makuha ang ika-12 na UAAP title ng Ateneo.

Ang panalo ay tila pagganti ng Ateneo matapos na biguin sila ng UP noong nakaraang season sa Game 3.

Bumida sa panalo ng Blue Eagles si Ange Kouame na nagtala ng 19 points.