November 3, 2024

FDA kumontra…
COVID-19 NAIPAPASA
SA KONTAMINADONG
PAGKAIN

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pa ring ebidensya na naipapasa ang coronavirus disease (COVID-19) sa pamamagitan ng mga kontaminadong pagkain.

Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas ang ulat na ilang produktong isda mula Russia ang nakitaan ng SARS-CoV-2 virus pagdating ng China.

“Wala namang talagang ebidensyang nagsasabi na ang COVID-19 ay makukuha natin sa contaminated na pagkain,” ani FDA director general Eric Domingo.

“Wala pong anything that shows na pwede makakuha ng COVID-19 doon.”

Ayon sa opisyal, kahit ang World Health Organization (WHO) ay wala pang inilalabas na advisory ukol sa nasabing report.

Naka-alerto naman daw ang Department of Agriculture (DA) para bantayan ang mga unprocessed o hilaw na mga produkto tulad ng mga karne at isda.

Ang FDA naman, may mandato na suriin ang mga processed foods tulad ng mga de latang pagkain.

“May mga panahon na ipinagbawal nila (DA) yung mga chicken na contaminated with COVID-19… binabawal nila ang pagpasok sa tulong ng Bureau of Customs.”

Noong nakaraang buwan lumabas sa artikulo ng The Global Times na nakapagtala ng panibagong COVID-19 cases ang China mula sa ilang cold-chain imports.

Kabilang na dito ang ilang Indian frozern butterfish, Russian frozen salmon, at Argentinian frozen beef.

“China’s General Administration of Customs announced that a nucleic acid test on one frozen salmon packaging sample imported from Russia came back positive. The same day, Xiamen reported that two packages of Argentine beef samples were tested positive for COVID-19,” nakasaad sa artikulo.

Agad sinuspinde ng Chinese Customs authorities ang pag-aangkat ng seafood products mula sa mga naturang bansa. Paliwanag ni Domingo, dumadaan ng “heat processing” ang natatanggap nilang imported goods para masigurong walang COVID-19.