May posibilidad na idaos sa 55,000 seat Philippine Arena sa Bulacan ang farewell fight ni Sen. Many Pacquiao. Balak ng Fighting Senator na lumaban ng 2 beses ngayong taon kung papayagan ang socio-economic conditions.
Ayon sa ulat, maaaring sa September at nais ni Pacquiao na lumaban sa kanyang bayan.Huling lumaban ang eight division world boxing champion sa Pilipinas noong 2006.
Ito’y nang labanan niya si Oscar Larios sa Araneta Coliseum. Ang huling 24 fights niya ay ay idinaos sa abroad. 20 sa US, 2 sa Macau, isa sa Kuala Lumpur at 1 sa Brisbane, Australia.
May sitsit na lalaban si Pacman kay former world titlist Mikey Garcia sa Dubai sa May 15, 2021. Ngunit, wala pang negosasyon tungkol ditto ayon kay MP Promotions head Sean Gibbons.
Ilan sa option na ikakasang ilaban kay Pacquiao si WBO welterweight champion Terence Crawford. Bagay na nais mangyari ni Top Rank CEO Bob Arum.
Gayundin si Errol Spence, Floyd Mayweather Jr. Yordenis Ugas ng Cuba at Ryan Garcia.
“It’s amazing that 52 guys out there are trying to do a fight for the Senator,” ani Gibbons.
“If a deal is sealed for May 15, I hope it’s true, more power and God bless,” dagdag nito.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!