Nanawagan ang Manila-based think-tank Integrated Development Studies Institute (IDSI) sa nagkakalat ng fake news na tigilan na ang mga pang-iintriga sa mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019 lalo na yaong mga produktong gawa sa China.
“Puwede bang isaintabi muna ngayon nina Antonio Carpio at Albert del Rosario ng 1Sambayan at ng oposisyon ang mga fake news at probokasyon habang ang ating mga frontliner at ekonimiya ay lubhang tinulungan ng China?” ayon sa IDSI.
“Bukod sa mga pagbatikos, nakatulong ba sila laban sa pandemya,” pasaring ng IDSI kina Carpio at sa oposisyon.
“Wala man lang ipinadalang anumang tulong ang U.S. at hinaharang pa ang tulong sa ibang mga bansa kahit sa mga kaalyado nito habang ang China ay nagpadala ng tulong sa mahigit 70 bansa kahit hindi pa bakunado ang mayorya ng populasyon nito,” dagdag pa ng IDSI.
“Narito tayo para magtatag ng bansa pero ang United States at mga bansa sa Western Europe na umiipit sa lahat ng bakuna ay nagbababala sa mga nais tumulong sa atin. Ipinaparatang ng West na peke ang mga datos ng China samantalang naipakita na ng China, Taiwan, Vietnam at Singapore na mahusay nilang naharap ang Covid-19 habang palpak ang sariling pamamahala ng US sa sarili nitong bakuna,” sabi pa ng IDSI.
Ang mga bakuna ng China ay nakarating na rito at nasimulan nang gamitin sa mahigit isang milyon na mamamayang Pilipino. Sa buong mundo mahigit 100 milyon na ang nabakunahan na ng China vaccine, kasama na mga royal family, artista, at mga lider ng mga iba’t ibang bansa.
Umabot na 1 million donasyong bakuna (Sinovac) mula sa China ang dumating sa Pilipinas. Nadagdagan pa ito ng isang milyon at kalahati na bakuna galing sa nabili ng Pilipinas sa China ay dumating na sa bansa.
Samantala, ang U.S. hanggang noong Marso 1 ay tumatanggi pang magbahagi ng kanilang bakuna kasama ng Canada at Mexico habang ang E.U. ay hindi pa handang ibahagi sa mahihirap na bansa ang nagawa nilang bakuna hanggang noong Marso 21. Hinarang naman ng India noong Marso 25 ang export ng kanilang bakuna.
Binanggit pa ng IDSI na maraming praktikal na planong hakbang ang meron nang nakalaan at karapat-dapat sa aktuwal na pag-aaral at pag-ukulan ng atensyon kaysa sa mga bangkang pangisdang nakaparada sa Julian Felipe (Whitsun) Reef sa West Philippine Sea.
Pinatutungkulan ng IDSI ang sinasabing mga bangka o barko ng China na naglalayag at dumadaong sa naturang bahagi ng pinagtatalunang mga isla sa WPS.
Pero sinabi ng IDSI na ang naturang mga sasakyang pandagat ay maraming dekada nang naroon sa naturang lugar at napag-usapan kamakailan para sulsulan at ilihis tayo sa isyu. Ang IDSI ay isang organisasyong nakikibalikat sa isang global network of institutions para pag-aralan at itaguyod ang mga pratikal na paraan para umunlad ang mga taong bayan sa mga nangyayari sa mundo.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE