May 18, 2024

Fake isyu ang pagbabalik… TONI GONZAGA, ‘DI PA MAGKAKAROON NG SHOWBIZ COMEBACK

WALA pa raw sa plano ni Toni Gonzaga ang mag-comeback siya sa ABS-CBN bilang TV host. Pero natunugan naman ng mga bashers niya kaya ibo-boycott nila ang pagbabalik ng actress.

“Bakit ganoon sila, wala namang announcement na babalik na nga si Toni Gonzaga sa ABS-CBN. Kung gusto ba ng ABS-CBN na kuning muli si Toni may magagawa ba sila? Isa pa kahit i-boycott pa nila ang actress, mas marami pa rin ang winner kaysa sa mga talunan na gaya nila.

“Kalma lang, dahil wala pa sa plano ni Toni ang bumalik sa ABS-CBN para mag-host muli ng PBB. Dahil ang priority muna ngayon ni Toni ay mag-alaga ng kanyang dalawang anak na sina Seve at Polly.

“Walang balikan pang magaganap, dahil sa work niya bilang isang vlogger ay malaki naman ang kita niya. Doon sa ginawang interview niya sa kapatid niyang si Alex Gonzaga-Morada, tungkol sa ‘miscarriage’ dun pa lamang ay dolyares na ang kita niya. Maka-bash kayo, hindi naman kayo kumikita sa ginagawa ninyo,” mataray na pahayag ng aking source.