IPINAGPALIBAN ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa mula April 29 hanggang hanggang 30 dahil sa matinding init at planong nationwide transport strike.
“In view of the latest heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) and the announcement of a nationwide transport strike, all public schools nationwide shall implement asynchronous classes/distance learning on April 29 and 30, 2024,” ayon sa abiso ng DepEd ngayong araw.
Sinabi irn ng DepEd, hindi kailangan ng lahat ng teaching at non-teaching staff na mag-report sa kani-kanilang istasyon.
“However, activities organized by Regional and Schools Division Offices, such as Regional Athletic Association Meets and other division or school level programs, to be conducted on the aforementioned dates may push through as scheduled, provided that measures for the safety of all participants have been carefully considered,” dagdag ng DepEd.
Samantala, ang mga pribadong paaralan ay hindi sakop ng naturang advisory pero may opsyon ito na ipatupad din ang advisory.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY