
Binibigyan ng Palasyo ng Malakanyang ng opsyon ang mga employer at mga establisyemento kung ire-require ang pagsusuot ng face shield ng kanilang mga manggagawa o iba pang indibidwal.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, maaring i-require ng mga employer ang mga empleyado nila na mag-face shield sa kanilang workplace at maari ring i-require ng private establishments ang mga customer nila na mag-face shield.
Una rito, inanunsyo na ng Palasyo na hindi na obligado ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 1 hanggang 3.
Matatandaang umani ng batikos ang paggamit ng face shield dahil wala namang scientific study na mabisa itong proteksyon laban sa COVID-19.
More Stories
KAMARA NAGLABAS NG VIDEO KUNG BAKIT NA-IMPEACH SI VP SARA
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)