December 25, 2024

Face mask nagkakahalaga ng $1.5 milyon

Art at hindi karangyaan ang katwiran sa likod ng pinakamahal na coronavirus mask, ayon sa Israeli jewelers na siyang gumagawa ngayon ng pinakamahal na face mask sa buong mundo.

Nagkakahalaga lang naman ang naturang face mask ng $1.5 milyon o katumbas ng halos P75 milyon para sa isang hindi pinangalanang kliyente na nakabase sa United States.

May tatlong kondisyon na hiningi sa kanya ang customer, sabi ni Isaac Levy, ang may-ari ng Yvel jewelry company.

Una, dapat daw gawin iyon na isang N99 face mask na aprubado ng US FDA at pasado sa European standards. Ang ikalawang kondisyon naman na hiningi ng customer ay dapat daw na ma-deliver sa kanya bago matapos ang taon o sa December 31, 2020.

Ani Levy, ang ikatlong kondisyon ang pinakamadali para sa kanya. Gusto raw ng customer na ang face mask na in-order ang maging pinakamahal na face mask sa buong mundo.

“I don’t think (the customer is) going to use it going to the supermarket but he is going to use it here and there, I’m sure,” said Levy.

Inilarawan niya na ang naturang kliyente ay isang Chinese art collector na naninirahan sa U.S.

“He is a young-old customer of ours, very charming, very outgoing, very wealthy and he likes to stand out,” wika ni Levy.

Ang face mask ay yari sa 18-karat gold at palalamutian ng 3,600 black and white diamonds.

“Money maybe doesn’t buy everything, but if it can buy a very expensive COVID-19 mask and the guy wants to wear it and walk around and get the attention, he should be happy with that,” saad ni Levy.

“I am happy that this mask gave us enough work for our employees to be able to provide their jobs in very challenging times like these times right now,” natutuwang sambit pa niya.

Ang napakamahal  na face mask ay may bigat daw na 270 grams kapag natapos.