November 5, 2024

FACE MASK, FACE SHIELD OVERPRICED? (Duterte itinanggi korapsyon)

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang natuklasan ng mga oposisyon kaugnay sa pagbili ng pamahalaan na face masks at face shield na sinasabing “overpriced.”

Ayon sa pangulo, ang presyo ng medical supplies ay tumaas dahil sa kakulangan ng suplay at pagtaas ng demand.

Sa inilabas na report ng Commission on Audit, overpriced umano ang mga biniling face mask at face shield ng Department of Health sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management na itinanggi naman ng dating opisyal na nangasiwa nito.

Binigyang-diin naman ni Pangulong Duterte na noong bago pa lang pumutok ang pandemic ay mataas ang presyo ng face mask dahil mataas ang demand para rito.

Kaya aniya sinabi niya ito ngayon sa publiko para maalis ang mga pagdududa sa korapsiyon dahil hindi uubra ito sa kanyang termino.

Si Senator Franklin Drilon ang nagbulgar na“overpriced” ang mga nasabing protective gear.

“I want to make it of record, I and the Cabinet knew about it. Go ahead and buy the things that we need to fight the pandemic. Emergency ito. Emergency hanggang ngayon,” ayon sa Pangulo.