
Patuloy ang pananalasa ng F2 Logistics Cargo Movers sa PNVF Champions League sa Aquamarine Recreation Center sa Lipa City. Flawless pa rin ang record nila na 3-0 sa torneo. Kabilang sa bagong biktima ng F2 ay ang Petro Gazz Angels sa iskor na 25-16, 25-23 at 25-14.
Bumandera sa panalo ng Cargo Movers si Kalei Mau na gumawa ng 21 points. Nag-ambag naman si Aby Marano at Kim Kianna Dy ng tig 9 points.
Sa panig naman ng Petro Gazz, bumira naman ng pinagsamang 19 points sina Myla Pablo; Gretchel Soltones at Ces Molina. May record ang Angels na 2-1. Kabilang naman sa kanilang biktima ay ang Baguio at ang Chery Tiggo.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo