Optimistiko pa rin si F2 Logistics coach Benson Bocboc para sa susunod na kampanya ng team. Ito’y kahit na sumablay sila sa nagdaang 2022 PVL Open Conference.
Nagtapos ang F2 sa ika-anim na puwesto sa Open Conference sa kanilang debut sa liga.
“Kapag mga ganito naman, pagdadaanan talaga nating lahat ‘yan,” saad ng coach.
“So manalo or matalo, we’ll learn from those mistakes or kakulangan para next conference we have the drive and [malaman] natin kung ano kailangan natin to compete with the other teams.”
Puntirya naman ni Bocboc na makabawi ang Cargo Movers sa susunod na pagpalo ng liga. Pambato ng F2 ang mga mahuhusay nitong volleybelles. Kabilang na rito si Aby Marano, Dawn Macandili, MaJoy Baron, Ara Galang at Kim Dy.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!